Lahat ng mali ko, itinatama nyo; kahit minsan, ako’y nagkukulang sa respeto. Mahaba ang pasenya nyo. sa lahat ng pagsubok, ang tatag nyo. Inuuna kami, inilalagay kung saan makakabuti.Pagdating sa sakripisyo, Numaero uno kayo. At talaga namang totoo: “Mother Knows best” dahil lahat ng desisyon ko, pagkasama kayo ay best. Walang sinabi si Einstein , Newton, o Aristotle dahil kayo, nakakaintindi, nakakaunawa at nagbibigay solusyon sa mga problema, eh yang mga scientist na yan, nami-miscalculated pa.
Patawadpo sa mga kasalanan ko sa inyo. sa mga panahon na kayo ay aking nakakasagutan, noong ipinipilit ko ang tigas ng ulo ko. Patawad dahil akala ko tama ako, sa oras na binabara ko kayo, sinusuway ko kayo, nagsisinungaling sa inyo, nawawalan ng galang, hindi ko ginagawa ang mga tungkulin ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.
Salamat sa pagiging mabuting nanay. sa araw araw na pagluluto, paglalaba, pagsisilbi, pagmamahalpara buhay ko’y guminhawa. ako’y inilawan mo mo sa tamang daan at hinubog bilang isang makabuluhang tao.
Mahal ko kayo. Ikawa nanay ang aking idolo.