Naniniwala ka ba sa FOREVER?

I love you!

I love you too.

I love you three.

I love you four. FOREVER.

InspirationalSignForeverPoplet1

FOREVER akong maniniwala na may FOREVER

Naniniwala ka ba sa FOREVER? Yung totoo? Wag bitter.

Technically, wala. Nganga kayong lahat! Buhay nga natin may katapusan, tapos sasabihin nyo na may forever?  DIba nga “Pag may simula, may katapusan”. lahat ng bagay ay binigyan ng LIFE SPAN at sorry for you, ang Life Span na yan ay hindi forever.

Pwede, pwedeng magkaroon ng FOREVER -Forever kang aasa. Masasaktan ka lang sa expectations mo na FOREVER. Kaya quit it. Forever doesn’t exist. Cope with it dahil sa panahon ngayon, dalawa na lang ang forever. ang Forever 21 at Be Careful With my Heart.

Friend, wag ka nang umasa sa FOREVER na yan. DI ka mabubusog dyan. Itigil mo na ang paniniwalang nag-eexist yan bago ka pa tuluyang masaktan. salita lang yan na magpapaikot sa ulo mo upang lokohin ka.

forever-tag

FOREVER? Remove F,R,E and its OVER

Forever-Does-Not-Exist

wag kang umasa.

MAY FOREVER.

meron. maniwala ka lang.

hindi mo mai-aaply ang concept ngpositivism sa ganitong bagay. hindi mo naman kasi kailangang intindihin. ang kailangan, maniwala tayo.

hindi ito para sa lahat. ito ay para lamang sa mga naniniwala at marunong
maghintay. kaya kung hindi ka naniniwala na may forever, hindi ‘to mangyayari sa’yo.

at ano naman kung mapatunayan nyong walang forever? mas gaganda ba ang mundo natin? kung ngayon, Forever ang pinagdududahan nyo, ano bukas? TRUE LOVE? hanggang sa isang araw sasabihin nyo na din na walang GOD?

well kung ayaw nyong maniwala, hindi ko kayo masisisi at pipilitin. kayo! bahala kayo basta para sa’kin may forever.

Mas magandang maniwala kaysa matakot.

Forever_sign_rsz_1024x1024

forever equation.

Advertisements

23 thoughts on “Naniniwala ka ba sa FOREVER?

  1. Popoy says:

    Bobo mo. Buhay ang tinutukoy mo eh di naman LOVE.. nag eexist ang FOREVER kasi may tinatawag na undying LOVE kasi kahit matapos man ang BUHAY nila yung sumpaan at pagmamahalan nila ang nagpatunay ng FOREVER. At isa pa God’s LOVE for us is FOREVER

    Like

    • Yoj says:

      TAMA KA POPOY 🙂 May FOREVER .. ako nga kahit wala akong boyfriend pero nanninwala akung may FOREVER .. PUSO tinutokoy dito di buhay ng tao ..
      kung sasabihin nyong walang FOREVER kasi sa bawat partner ng tao namamatay .. si GOD namatay pero but LOVE parin nya tayo? bakit love parin natin sya? bat di nya tayo pinapabayaan? kasi nga may FOREVER pagmamahal natin sa kanya gaya narin yan sa taong mahal natin .. :!
      okay po???

      Like

  2. Hannie xD says:

    Para sa akin, Oo 🙂 Ang alam ko isa lang ang FOREVER dito sa mundo. Una, ang pagmamahal ng Panginoon sa ating lahat. Ikalawa, aang pagmamahal sa ating mga magulang. 🙂 Yan lang po. Thank you. God bless :*

    Liked by 1 person

  3. Frvrblvr13 says:

    May forever po 🙂 Things END , Memories last FOREVER . saka di naman po porket sinabi na forever eh tungkol kaagad sa Gf/Bf. ayun mahirap sa iba eh porket sianbing “FOREVER” ayun kaagad iniisip nila pero ang toto ibat iba ang uri ng forever . Forever na pagmamahal kay god , forever na mahal mo isang tao kahit patay kana Forever pananampalataya at forever ka sa isip ng magulang at mga mahahalagang tao sayo 🙂 at saka paano pa nalaman yung word na forever kung wala naman ?! sory sa mga di naniniwala sa forever ah ! opinio kolang po ito hihi and Ang forever ay isang figure of speech lang. Isa yang “intense feeling”. Hindi yan literal na “habambuhay” kundi isang pagpapaliwanag na may mga emosyon talagang hindi kayang tumbasan ng oras at panahon. Yun ang “poreber”

    Liked by 1 person

  4. anonymous says:

    For me, may forever naman talaga eh. Tao yung may expiration date, pero yung forever? Wala namang nasabing expiration, diba? Sa ngayon, nakikita ko sa society natin ay most people doesn’t believe that forever exist. Why? Simple lang. Heartbreaks. Hindi naman porket sinabi nating forever ay tungkol na sa love ‘yan, hindi niyo ba naiisip si God? He’s always here beside us when we’re down, right? But, some people believe that forever exist, isa na ako doon. Aaminin ko sa forever na ‘yan nakakapagod maghintay, pero isang word ang kailangan diyan, PATIENCE. Kung maniniwala kang meron, magpapakita talaga ‘yang forever na ‘yan sa’yo. Opinyon ko lang ‘yan ah, hahaha. Not hate, just love. 🙂

    Liked by 1 person

  5. For me , Yes, there is Forever pero hindi sa LOVE . Kasi hindi naman laging LOVE ang basehan when it comes to the word FOREVER . And it depends to the person who will believes on it or not . Just accept the fact that every one of us have a different PERCEPTION IN LIFE.

    Liked by 1 person

  6. MARYJANE says:

    may forever
    ang hirap sa iba pag forever na ang pinag usapan about lovelife agad eh wala daw forever kc naxakatan cla naghiwalay cla bkt kaxalanan b ng forever na mainlove ka sa maling tao ikaw kaya ang namimili kng cnu ang mamahalin mo kaya wag mong dadamay yung forever kc naxaktan ka talagang pag nagmahal ka kailangan mung maxaktan o mag kamali kc kung hndi ka magkakamali hindi ka matututo xaka db pwedeng ung mga bagay na nakapaligid xau xaka ung love ng magulang mo sayo forever un
    KAYA MAY FOREVER

    Liked by 1 person

  7. Eh ano kung bitter? says:

    Bitterness is never a bad thing. It is a feeling that you feel when you are treated unfair. Walang masamang maging bitter. Ako bitter ako. But I’m neutral. Walang forever pero meron. Oo na ako nang magulo. Pero kasi wala pa naman kasing nakakarating sa forever at kung may taong makarating don, ibig sabihin non tapos na ang forever. Dahil ang mismong journey niya NAGTAPOS NA. How could someone believe in forever when no one has ever reach that point? Wala pang nakakarating, at walang makakarating diyan. Dahil angbibig sabihin niyan, walang hanggan, walang dulo, walang katapusan, at pano mo mararating ang forever mo? Kung wala naman yang katapusan? At ang love, kagaya ng lahat ng bagay, nawawala rin, kung yung pagmamahal nga ni god nawawala eh. bakit ko nasabi? Bakit may hell kung forever ang pagibig ni god? Pero I’m on my way to believing kasi, nasaktan lang naman ako. But that doesn’t mean I’m closing my mind. Bakit nga naman ilalagay sa dictionary ang forever kung hindi naman to nageexist? Bakit ilalagay sa bible na forever nating makakasama si god sa heaven at don wala nang pagluha etc.?

    At isa pa, BAKIT BA NAPAKA BIG DEAL NITO SA PINAS? Hay nako…

    Like

  8. AsawaNiJungkook says:

    Para sakin, it depends. Kung sa LOVE pag-uusapan ang FOREVER na yan, meron at walang forever. Bakit? Pagmamahal ng magulang at ni god mamahalin ka nila FOREVER. Pero kung sa lovelife naman. Pareho lang din ulit, kasi kung pareho kayong loyal,nagkakaintindihan at higit sa lahat mahal niyo ang isa’t- isa di kayo magbe-break so it means? May forever. Pero kung naglolokohan at nagkaka-gaguhan lang kayo. Walang forever.

    Like

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s