Acco din Sila.

redaccountancy

ACCO DIN SILA.

Dear Accountancy,

Marami na ang nainlove sayo. Habulin. Sikat ka sa kampus. Maraming nangangarap at sumusubok dahil tiyak na yayaman kapag naipasa ang kurso mo. Sa PUPCET pa lang, nangba-busted ka na. score na 86 ang gusto mo. Ang taas, hard to reach. Pero syempre, maraming pumasa. Tinagurian mo pa nga silang ‘batang 5th floor’ sa PUP. Mga nagkukulay berde na nagsilipana sa lahat ng wing.

 

Pinangakuan ka pa nga nila na hinding-hindi ka nila iiwan at sinabi nilang hinding-hindi nila bibiguin ang standard mo. DOS. Ang sagot mo naman sa matatapang na 36 sections ng freshies, at 24 sections ng sophomores, “Till Special Qualifying Exam (SQE) do us apart.”

Marami kang pinapakabatuwing magbibigay na ang mga propesor ng grade sa SIS. Saksi ka sa iba’t ibang eksena ng mga araw na iyon na may dramang naganap, may comedy, at syempre, hindi mawawala ang nagalit at sinisisi ang sarili. Sa panirang grade na 2.25 sa mga major subjects mo o mas mababa pa(tumataginting na tres o singko), maraming nawalan ng pag-asa at pangarap. Maraming nabigo kaya ang ending, “shift na tayo”.

Napakachoosy mo sa libro, gusto mo makapal, yung tipong kasyang kasya sa travelers bagpack. Sa bagay, ang ideal mo daw ay nerdy type. Hindi kita masisisi kung maraming nagpapa-EO para sa eyeglasseso kaya bumibili ng tigsisingkwenta jan sa tabi-tabi. Sanakaduduling mob a namang 6 digit o higit pa na assets, liabilities at owner’s equity sa columnar notebooks, ledgers at worksheets, ewan ko na lang. isama mo pa ang maliliit na font size ng books na kailangan basahin para sa terror na propesorna hindi nagtuturo, bahala na sa quiz. Hindi ka pa naawa, may panggulo ka pang nalalaman tuwing nagpapasolve ka ng accounting transactiions. Gusto mo balance lahat at ika nga, “Never assume unless stated.” ang rule mo.

Ayaw mo nga pala ng pasmado at manhiding kamay sa pagsusulat ng ‘double rule’. Straight ang gusto mo. Dapat from red to blue sa columnar. Kaya pala maraming bummibili ng ruler o kaya ID na lang ang nilalabas(e kasi hindi naman tayo architecture, never assume)

Ayaw mo din ng bura, hindi uso sayo ang ‘liquid eraser’ at ‘touch and go’ soysalin dapat, Frixion pen. Gusto mo kasi malinis kaya madaming nagre-rewrite tuwing quiz at exam, hindi dahil sa hindi maburang tinta ng HBW balpen (para tipid) kundi dahil ayaw magbalance , maraming nagkakamali sa adjusting entries o sadyang nalito lang sa epal mong given.

Ayan, marami rin tuloy umaayaw sa’yo ayaw mo ng madaming estudyante kaya naman, nagsisimula pa lang, ang ikalawang taon, dini-dissolve mon a ang ibang sections. Tawag nga ng mga second year sa sarili nila ngayon, ‘survivors’.

Kung sa mathematics, ‘bakit?’ ang kadalasang tanong na may pahabol na, ‘di ko gets’ sa dulo, sa’yo, ‘paano?’ang uso. Dahil hindi daw ito memorizing, kundi analyzing.

Ang saklap tuwing lumalabas si A ≠ L+C. Halos magkanaduling na sa paghahanap ng mali sa record sa journalat mapagod kakaulit ng pag-aadd sa calculator na kung minsan ay syan depekto.  Siguro… lokal o inuunahan na ang estudyante sa pagsuko sa ‘yo.

Third year na ang iba. Saksi sila sa pagpaparty (sabog confetti) dahi hindi na ‘Til SQE do us apart’ kundi ‘till graduation do us apart.’ Anong masasabi mo? Malapit na kayong magkahiwalay. Nalulungkot ka ba?e, nadyan naman sila e… ang estudyanteng, panglimang taon.na ngayon na talagang tinutupad ang pangakong hindi ka iiwan (till honorable dismissal do us apart’) labs ka talaga nila.

Fourth year, Yayy alam mob a kung gaano mo sila pinahirapan? Hindi makabawi sa tulog sa naglalakihang eyebags na halos di pa pantay (pati third eye, meron) at wrinkles na pinagmumukha silang losyang pati nga pimples na hindi kinaya ng ponds.

Pero kahit ganoon, gagraduate na din sila. Mahirap, pero masaya. Nakakaloka nga daw pero kineri naman. Tama nga sila, hindi ito survival of the smartest kundi fittest. Kahit hindi ka matalino basta may tyaga, may diploma.

Bagama’t nasa unang taon pa lamang ako ng pag-aaral sayo, kinikilala na talaga kita. Dahi “Acco din sila”, ang susunod na sila at ang garaduate na sila.

Til l next time…

Nagmamahal,

BSA Student

Credits to Cherry Masula (The paradigm)

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s