Kung ang Pasko ay Para sa Mayaman Lamang

redchristmas

“Oh!, dal’wa pa! dal’wa pa”, sigaw ni Manong Driver ng jeep sa mga taong nasa sakayan. Sumakay ako at sa  nakita ko, puno na ang jeep.  “Kanan-kaliwa lang, Kanan kaliwa po yan.”, pinipilit ng driver na pagkasyahin kaming lahat. Umupo ako sa kanan. Kasunod ko ay isang matandang babae. “oh, kaliwa po, kaliwa lang po.”. Bagama’t sinabi na ng driver na sa kaliwa sya dapat umupo, umupo  sya sa kanan, malapit sa pinto kaya naman nagsiksikan kami. Gusto ko sanang lumipat sa kaliwa, pero may sumakay pang isa. Nakakainis. Preskong presko akong lumabas ng bahay, tapos sobrang banas sa loob ng jeep.

“Anong ginawa nyo sa school?” Narinig kong nag-uusap ang nanay na may karga na batang lalaki at isa pang batang babae na kagagaling lang sa school sa loob ng jeep. Nag-iisip ang batang babae. “Gumamit ba kayo ng libro?”, dagdag nung nanay. “Hindi. Nagdrawing kami ng family na kumakain sa table at yung iba pang ginagawa ng family”, sagot ng bata. Naku nga naman ang mga bata ngayon hindi na sila gumagamit ng po at opo. Pero infairness naman sa school, nagtuturo sila ng kahalagahan ng pamilya.

Pagkababa ng tulay ng San Juan, Bumaba ang mag-iina. Dahil nga dalawa ang kasama nyang bata, hirap silang bumaba. Pinagmasdan ko , at nakita kong wala man lang tumutulong para mapabilis ang kanilang pagbaba. Di rin nagtagal, nakababa na sila at nagpatuloy ang biyahe.

Huminto ang Jeep sa dulo ng VMapa St. dahil sa pulang ilaw ng stop light. Mahigit sampung segundo na lamang at magbeberde na ang ilaw nang may pumasok na batang pulubi.  Ipinamigay nya ang dala-dala nyang sobre. Sir/Mam, Happy Christmas po sa inyong lahat. Hihingi lang po ng konting tulong. Maraming salamat po. Kapag may ganitong bata na pumapasok sa jeep, binibigyan ko ng wafer. Kadalasan akong may baong wafer na  cheese flavor pero wala akong dala ngayon. Hindi ko sya mabibigyan ng kahit ano dahil tinitipid ko na rin lang ang aking allowance.

Umupo sya sa bukana ng jeep.  Hinihintay nya na may maglagay sa kahit isang sobreng ipinamahagi nya. Umandar na ang jeep.  “Hoy! Umalis ka dyan” sigaw nung driver na paos ang boses. Pagkaliko namin, may mga pulis. Nakikipagsigawan sila sa isang lalaking walang tsinelas, sira-sira ang damit at madungis.  Huminto ang Jeep. Sumigaw ang driver, “Eto pa O!” Natakot ang batang pulubi. Pumasok sya sa loob ng jeep at kinolekta nya ang mga sobre.  Nakita sya nung pulis. Mas natakot yung bata. Pumasok ang pulis,  hinawakan ang bata sa kaliwang braso at binitbit palabas. Natapon yung mga sobreng bitbitng bata. Humagulgol siya sa iyak. Ang lahat ng tao sa jeep ay nakatingin sa nangyayari.

Umiiyak habang bitbit ng pulis palabas ng jeep. Yumakap ito dun sa lalaking nakikipagsigawan dun sa pulis kanina. Pinatahan nya ito. Pinagalitan sila ng pulis at umalis na ang jeep palayo. Kaawaawa sila. Wala silang makain. Wala silang pagkakakitaan kundi ang panlilimus. “Hindi pupwede saakin ya’ang mga ganyan.” Sabi nung driver. “nakakalungkot isipin, hindi ko man lang natulungan yung bata.

Itutuloy…

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s