Pipi ka, Bulag sya. Good Luck sa Lovestory nyo.

redpipibulag

Si Pipi at si Bulag

Dear Pipi,

Good day!
Balita ko, crush mo daw sya. Ano pang hinihintay mo? Sabihin mo na!

Kung ano man yang pumipigil sayo para sabihin sa kanya ang nararamdaman mo, please, kalimutan mo na yan. Sige ka, ikaw di baka maunahan ka ng iba.

Alam kong natatakot kang mareject, pero at least nasabi mo yung tunay na nararamdaman. Sobrang gaan kaya nun sa pakiramdam. Tsaka, 50% chance of rejection lang naman. The other 50% is good enough para maniwalang hindi mangyayari ang rejection.

Kung hindi ka magbabakasakali, walang mangyayari. Malay mo, gusto ka rin nya at hinihintay nya ang first move mo. Paano na lang kung magsawa sya sa kahihintay.  Kung sasabihin mo, may chance na tatanggapin nya ito at may chance na hindi pero kung hindi mo sasabihin, mas lalong nganga.

Nagmamahal,

Red

Dear Bulag,

Good day!
Alam mo ba na mayroong may gusto sayo? Pansinin mo sya!

Bulag nga ba? O nagbubulag-bulagan lang? Di mo ba talaga makita? Imposible nang hindi mo malaman. Pambihira! Kung titingin ka lang ng ayos, makikita mo. Pacute nga sya ng pacute sayo.

Matuto ka naming makiramdam. Sayang yung effort nya sayo. Baka mamaya niyan, mapagod sya. At by the time na malaman mo eh, wala na syang paki sayo.  Wag kasing manhid!

Kung talagang nakikita mo at ayaw mo lang talaga sa kanya, please lang, sabihin mo nang diretso. Ang sakit eh. Paasa ka. Kawawa naman yung tao. Wala naman syang kasalanan sayo para paasahin mo sya sa pamamagitan ng pagbubulag-bulagan.  Nakakainis ka!

Nagmamahal,

Red

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s