SHE’S DATING THE ACCOUNTANT

redsdta

This story was inspired by JCD’s Partnership Accounting book

“Accountant?! Accountant ang daddy ko?”

Sinigawan ko ang kausap ko. Nakakapikon na sya. Andami nyang alam tungkol sa daddy ko na hindi man lang naikwento sa akin ng daddy.

“uh huh, at si Liza Fernandez ang one true love nya”

Natawa ako. Halatang naggagawa-gawan lang sya ng kwento.

“Excuse me ha, pero hindi Liza Fernandez ang pangalan ng mommy ko.”

“Alam ko. Diba sya si Julia Lopez?”

Natunganga ako nang sandali. Pati pangalan ng mommy ko, alam nya din? Pero paano? Higit sa lahat, sino yung Liza Fernandezna tinutukoy nya?

“So anong pinapalabas mo? -Na may kabit ang daddy ko?”

Kalokohan. Magwo-walk na ako nang bigla nyang hinila yung balikat ko.

“Teka lang. ayaw mo bang malaman kung sino si Liza Fernandez?”

“Ayaw!”

Nakakairita na talaga sya. Maglalakad na ako palayo nang natapon nya yung bottled water na iniinom nya.

“Uy. Sorry-sorry.. di ko sinasadya.”

Tiningnan ko sya nang masama at hinubad ang polo-shirt ko. Buti na lang, may PE subject kami nung araw na yun at may dala akong extrashirt. Nagpalit ako ng damit sa harap nya. Tinakpan nya mga mata nya. Bago pa sya makadilat, hinila ko sya papuntang Lagoon.

“Hoy ano ba? San mo’ko dadalhin? ”

Nang makarating kami sa may Lagoon, sinampal niya ako.

“Bastos!”

tiningnan ko ulit sya ng masama. Galit na talaga ako. Tinuro ko yung mukha niya.

“Kung ano man yang kwento na alam mo tungkol sa Daddy ko, kay Mommy, at sa kabit ng Daddy, tigilan mo na yan. Hindi nakakatuwa.”

Medyo tumalsik yung laway ko sa pagsigaw ko. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Sinundan nya ako. Tumakbo na ako. Tumakbo rin sya para habulin ako. Ang weird naman nya.

“Ano ba? Stalker ka no?”

“Stalker mo? wag na lang.”

Lumingon ako patalikod at sumusunod pa din sya. Napansin ko yung hinaharap niya. Wow ang laki nun at tumatalbog-talbog pa. Binagalan ko ang pagtakbo at sinabayan ko sya. Mas magandang tingnan yung hinaharap nya kapag side view.

“Bastos! Manyak!”

Sinampal nya ako. Napatigil ako  sa lakas ng pagkakatama ng palad nya sa pisngi ko.

“Diyan ka na nga!”

“Teka, nakakarami ka na ng sampal ah. Ano bang ginawa ko sayo?”

“Ewan ko sayo!”

At nawala na sya sa paningin  ko dahil sa dami ng estudyanteng  naglalakad sa linear park.
Nakarating na ako ng gym.

Pumasok ako sa gym. Naku! May prof na! buti na lang at may kausap si Sir. Makakapuslit ako nito.
At nakaupo nga ako sa bleachers nang hindi napapansin ni sir. Strikto si Sir pag dating sa late.
Napansin ko yung kausap ni sir. Nakatalikdo sya.  Parang pamilyar sya.
Dahan dahan syang humarap at teka, ito yung babaeng sumampal sa’kin kanina ah. Anong ginagawa nya dito at bakit nya kinakausap si Sir?

“Class, may bago kayong kaklase, irregular from BSA?”

“BSA I-19 po”

“BSA 1-19. Si Bella..”

“Bella Corrales. Hello. pleased to meet you all”

Tinitigan ko sya at sya, nakangiting naglilibot ng tingin niya sa aming lahat. Maya-maya pa’y, nagtagpo ang mga mata namin. Inirapan nya ako. Akala mo kung sinong suplada. E sya nga itong nakiki-FC sa bench sa Freedom Plaza.

Pagkatapos ng PE subject namin, in-approach ko sya.

“hoy bakit ka na klase namin? Stalker ka no?”

Hindi sya umimik. Naglalakad kami palabas ng gym. Makalipas ang 30 seconds nag sorry ako.

“Sorry pala dun sa kanina.”

“sorry din.”

Insert moment ng katahimikan here.

“Ganito, para makabawi sa mga pagsampal ko sa’yo, ililibre kita ng lunch. San mo ba gusto?.”

Nagulat ako dun sa mga sinabi nya. At talaga nga namang napakaFeeling Close nya.

“Jolibee?”

“Te o Pu?”

“huh?”

“Kung Teresa o Pureza.”

“Aaaahh. Teresa na lang.”

“Paano mo nga pala nakilala ang parents ko?”

Kumakain kami sa Jollibee. Mukhang masarap din naman palang kasama ‘tong si Bella.

“Anak ako ni Liza Fernandez.”

“Ano?! Diba yun yung sinasabi mong kabit ng Daddy ko? Anak ka ng Kabit ng Daddy ko? Kapatid kita?

Kaya pala masarap kasama-kapatid ko pala. Sayang maganda pa naman sya at may balak akong ligawan sya. Kapatid ko pala sya.

“Hindi Kabit ng Daddy mo ang Mommy ko. Corrales nga apelyedo ko diba? Which means hindi tayo magkapatid. Asa ka pa.”

Yown! May chance. Pwede ko pang ituloy ang mga plano ko.

“Ano nga pala ang pangalan mo?”

Natawa ako.

“Kilala mo ang Daddy ko, ang Mommy ko, at ang kabit ng Daddy ko, tapos ako, hindi mo kilala?”

“Hindi Sabi kabit ng Daddy mo ang mommy ko!”

“Okay, Okay. Kalma lang.”

“Paulit ulit na kasi.”

“Red. Red Lopez.”

Nagshake hands kami. May dumaloy na kuryente. Ganun pala ang pakiramdam ng kamay nya. Ibang iba sa pakiramdam ng pagkakasampal.

“Naku! May klase pa pala kami. Sige mauna na ako.”

Kinuha nya yung coke float nya at lumabas. Iniwan nya ako dun mag-isa.  Hindi pa niya nauubos yung pagkain nya.
Mula noon, lagi akong sabik sa Martes. Sorry, Mr. RJ Jimenez, pero love ko ang Tuesday dahil ito lang ang araw ng lingo na kami ay nagkikita.

Isang araw habang hinhintay naming ang Instructor namin sa PE,

“Ui, Red.” Nakayuko niyang binigkas ang pangalan ko.

“Oh?”

“Ano kase…” Parang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi.

“Ano Yun?” Nawiwirduhan na ako.

“Sorry ha?! Pero ikaw lang ang close ko dito sa section nyo.” Close? Talaga?

“Ano nga yun?”

“Kasi, meron ako”

“Meron kang?”

“Meron akong…” Tumingin sya sa’kin.

“Oww..” Nagets ko din kung anong gusto nyang sabihin.

“Ibili mo naman ako ng napkin. Wala akong dalang extra t’saka,  ayokong maging feeling close sa mga kaklase mo.”

“Ano?!”

“Sige na..” First time kong nakita yung mukha nyang ganun. Nagmamakaawa na talaga.

“Sige na nga.” Inilabas ko yung mukha kong napipilitan.

“Yey! I love you! Buti nandito ka.” Alam kong yung ‘Ilove you’ ay nangangahulugang ‘Thank you’ pero sana, nairecord yun!
Inabot nya yung 100 pesos nya.

“Di na,  ako na.” Sabay labas ng Gym.

Shet. San ba ako bibili ng napkin? Paano ako bibili? Lumabas ako ng gate at bumili sa Teresa.

“ Oh, ayan na yung napkin mo.” Inabot ko sa kanya yung binili ko.

“Eh?” Kinuha nya yung binili ko at nagtaka.

“Ano?”

“Hindi naman napkin ang binili mo eh. Panty liner ‘to.”

“Hindi ba Pareho lang yun?”

“Hindi! Bumuli ka na ulit. Napkin ah.”

Aba malay ko ba na panty liner pala yung nabili ko. Parang pareho lang ah. Lumabas ulit ako ng gate at bumili sa unang tindahan sa Teresa. Pag balik ko, andun sya sa may CR.

“Oh ayan.  Julia yan.” Inabutan ko sya ng isang pack ng Modess.

“Oo na. sige na. layo ka muna dito.”

Natapos din yung emergency niya.
Maya-maya pa’y umalis na ang mga kaklase ko.

“Di ata darating si Sir”

“Tara na, wala yan.”

“SM tayo guys!”

Ito ang karaniwang maririnig kapag walng prof.

“Thank you Red ah.” Ayan na. Nagte-Thank you na ulit sya. Baka sabihin nya ulit yung ‘I love you.’ Ihanda ang cellphone para sa pagrerecord.

“Welcome.” Ngumiti ako.

“Sabay na lang ulit tayo maglunch.” Ngumiti din sya. Ano ba yan. -.- Di nya inulit yung mga katagang hinhintay ko.

“Sige. Treat ko naman ngayon.”

“Hindi. Ako na lang ulit. Pasasalamat ko sa pagtulong sa’kin.”

“Sige, bahala ka.” Yown! Libre nanaman.

“Gusto mo rin pala eh.”

Dun kami kumain sa may karenderya sa may Anonas St.-Hindi Anonas Station ah. -.-

“Fanboy ka pala ni Julia? Haha.” Ito ang topic namin habang kumakain.

“Oo naman. She’s like a Goddess at kapangalan pa sya ng mommy ko.”

“Bad Girl daw yun sa totoong buhay.”

“Hindi yun totoo. Wag nyo naman sanang ijudge yung tao. Hindi nyo naman sya lubos na kilala.”

“Naku. Love is Blind talaga.”

“Pero di sya Bad girl ha? Wag kang maniwala sa mga pinagsassasabi ng mga bashers dyan. “

“Oo na. pero nakaktawa ka kanina. Hindi mo alam kung ano ang panty liner sa napkin.”

“Malay ko ba? Di naman ako gumagamit nun.”

“Wala ka bang kapatid na babae?”

“Wala.”

“Nakakatawa ka talaga kanina. Hahaha”

“Mas nakakatawa yung hitsura mo kanina.  Haha.”

“wahahahah…”

“By the way, wala ka bang klase?”

Tumingin sya sa relo nya. Mabilis nyang nginuya yung pagkain nya.

“Ay! Oo nga! Sige  una na ako.” Ininom nya na yung tubig nya at tumakbo palabas.

Enebeyen. Katulad na katulad ng nangyari last week. Dito na magtatapos ang pinakapinanabikan kong eksena ng martes. Haaay..
Inubos ko na yung pagkain ko at naalala kong hindi pa pala kami nakakapagbayad.- edi ako din ang nagbayad at end up, ako din ang naglibre. Pero kahit ganun, Ansarap nyang kasama. Nananabik na ulit ako para sa next Tuesday.

Next Tuesday,

6:00 am pa lang gising na ako kahit 10 am pa ang klase namin. Sobrang excited ako sa araw na iyon. Konting exercise, luto at kain ng breakfast, inom ng gatas, ligo, toothbrush, ayos-ayos ng sarili. Suot ko ang PE uniform namin with matching red rubber shoes. Umalis ako ng bahay ng maaga. Maganda ang panahon noong araw na iyon. Sumakay ako ng jeep at maalwan ang biyahe ko. Walang traffic. Everything is so perfect. Parang best day para magtapat ng nararamadaman. Sasabihin ko na ba? Sige. It’s about time na malaman niya. Nakarating na ako ng school. Maya maya pa’y nasa Gym na ako. Take a deep breath. Haaaaaahh.. heto na.

Pagpasok ko sa gym, wala pa ang mga kaklase ko. Napaaga ata ako.  Tiningnan ko yung phone ko. 9:30 pa lang pala. Ang aga ko. Umupo muna ako sa sulok ng bleachers. Anong gagawin ko ng 30 mins? Practice-practice ng sasabihin.

“Bella, may sasabihin ako sa’yo.”

Parang masyadong palasak yung ganito. Kung pick-up line kaya o knock knock joke? Ano ba yan.  Nagdatingan na isa-isa ang mga kaklase ko. Maya maya, dumating na din ang prof namin. Wala pa si Bella. Late sya? Kung sa bagay pwede ko naming sabihin sa kanya habang kumakain kami basta sasabihin ko lang bago sya magmadaling umalis dahil sa next class niya.

Natapos na ang PE subject namin. Wala si Bella. Pano bay an, hindi ko masasabi ang dapat kong sabihin. Pero mas inaalala ko, anong nangyari sa kanya? May sakit ba sya? Sana Ok lang sya.

*** ITUTULOY ***

Advertisements

One thought on “SHE’S DATING THE ACCOUNTANT

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s