Hinahanap kita, Hinahanap mo din ako, Paano na?

Tunay na pag-ibig, ikay aking hahanapin,

mamahalin at gagawing akin.

sana’y wag mainip, akoy malapit na,

konti na lang, mahahanap na kita.

pero paano kaya kundi ka makita,

tayo kaya’y magkatagpo pa?

kay daming tao dito sa daigdig,

tila ako’y nawawalan na ng pag-asa.

paano din kaya kung ako’y hinahanap mo din,

magkikita pa kaya tayo?, oh kay hirap isipin.

pero kahit ganun, ako ay nananalig,

magkakilala tayo, yan ang aking ibig.

mas malaki ang pag-asang tayo’y magkasalisi,

madaanan ang isa’t isa nang hindi nawawari.

may pag-asa ding ibaang iyong makita,

ibang taong hindi nakatadhana.

pero kahit na ganun, aking sisikapin,

maliit man ang pag-asa’y aking palalawigin.

sinta ko, wag mag-alala, tayoy magtatagpo din,

ang tamang panahon, ating hintayin.

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s