SHE’S DATING THE ACCOUNTANT 2

sdta2

Basahin ang Part 1! SHE’S DATING THE ACCOUNTANT

“…tapos nung naghandshake kami, alam mo ba kung anong nangyari?” inlove na inlove sa pagkukwento.

“Parang may dumaloy na kuryente?” I said sarcastically.

“Oo, oo! Talagang may sparks! Teka, bakit alam mo?”

“Bella, pitong beses mo nang ikinukwento yan.” -_-

Ganyan ang normal conversation namin ng bestfriend kong si Bella. Lagi nyang ipapasok sa kwentuhan kung gaano sya kainlababo sa Red na yun.EDI WOW! Nakakaasar nga eh. Parang nakakapangselos. Not like selos as in selos. We’re bestfriends nga eh.

“Alam mo ba? Napanaginipan ko sya kagabi. Nasa yate kami, nagdi-dinner habang may tumutogtog ng violin at nanonood sa sunset. Basta! Ang romantic! Tapos may part pa dun na nagkiss kami.” Excited na kinikilig magkwento itong si Bella.

“Oh Talaga?” Kunwari nakikinig ako.

“Oo! Ay, Paul. Nandun ka din pala!”

“Ano naman ang ginagawa ko dun?”

“Ikaw yung nagse-serve ng wine! Binigyan ka pa nga ng tip ni Red eh.”

Aba’t! tagasevere lang pala ako ng wine sa panaginip nya? At binigyan pa ako ng tip nung Red na yun. Grabe. Nang-aasar ba itong si Bella?

“joke lang Paul. Ikaw yung Captain nung yate.”

“Kung ako yung captain ng yate sasadyain kong palubugin yun.” sinabi ko ng pabulong.

“Ano? May sinasabi ka ba?”

“Wala. Sige alis na ako. May pupuntahan pa pala ako.” (kahit wala naman talaga)

Sino ba yung Red na yun? Anlakas ng tama ng gayuma nya sa best friend ko ah. Akala mo kung sinong gwapo. Pag yan nakita ko at papangit-pangit, tatawanan ko sya nang harapharapan pati si Bella, tatawan ko din. WHAHAHA.
Umuwi ako ng bahay. Umupo sa sofa at nagpahinga.
Maya-maya’y may kumatok sa gate.

“Sulat po.”

Aba, may kartero.

“Sulat?”

“Para po kay Mr. Paul Yap.” Sulat para sakin?

“Ako nga yun.”

“Eto po oh.” Inabot nya yung sulat sa akin.

“Thanks kuya.” Nagpasalamat ako kay kuyang kartero habang palayo na sya.

Wala naman akong inaasahang darating na sulat. Kanino kaya ‘to galing? Tiningnan ko yung likod at nakalagay:

“To: Mr. Paul Yap; From: Mr. and Mrs. Red Lopez.”

Huh? Di kaya namali ng bigay sa kin si kuyang mailman. Pero nakapangalan sakin. Mmmm..
binuksan ko ang envelop at naksulat:

redwedding

WTF is happening here? Ikakasal? Si Bella? Kay Red? Sa mismong Valentine’s Day?  What in the world? Teka, anong petsa na ba? Tumingin ako sa paligid ko at wala akong makitang kalendaryo. Tumingin ako sa cellphone ko, kahit oras, wala. Maya-maya pa’y nakarininig ako ng tugtog pangkasal.  Anong nangyayari sa mundo!? Pabalik balik lang akong tumitingin sa kanan at kaliwa habang tarantang-taranta na.

Woah. Bumangon ako sa pagkakatulog ko sa sofa. Panaginip lang pala?! Napabuntong hininga na lang ako. Grabe. Bakit mga ganung bagay ang napapanaginipan ko?
Nagvibrate yung phone ko. Nagtext si Bella.

Bella: Paul!, nakapanaginip ulit ako tungkol samin ni Red! Oh My G.

Oh My G! talaga.

Me: Anong meron?

Bella: kinakasal kami!!! Waaahh!!

Me: Seryoso??

Bella: Oo. Kaso hindi ko matandaan kung nandun ka.

Di na ako nagreply.
Ano bang nangyayari? Bakit pati si Bella nakapanaginip ng ganun? Kung sa bagay, so what ano naman. Dapat masaya ako dahil best friend ko sya. Pero di talaga ako tiwala sa Red na yan. Parang may kung anong sa demonyo.

Next Morning,

Hala! Martes pala ngayon? Magkikita nanaman sina Bella at Red. Kailangan di sila magkita.
Hinawakan ko yung phone ko at dinayal ang number ni bella.

“Hello? Paul?”

“Bella, pwede mo ba akong…” Teka, anong sasabihin ko?

“Pwede ka bang?”

“Uhmmm, itatanong ko sana kung pwede mo akong samahan sa mall.” Yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

“Paul, kasi, may klase ako ngayon eh.” Ano na sasabihin ko?

“Please Bella. Kailangang kailngan kita.”

“Ano bang meron?” lagot… anong idadahilan ko?”

“Bb-basta!”

“Sige. Siguraduhin mong importante to ah!” Oh My G. patay ako nito..

Sa mall…

“Ano yun Paul?”

*lunok ng laway*

“Parang gusto ko kasing kumain ng Caesar Salad.” sh?*t, ampangit ng palusot ko.

“Ano?!”  nanlaki yung mga mata nya.

“Caesar Salad, parang masarap kumain ng Caesar Salad” sobrang pawisan na ako grabe.

Ngumiti si Bella.

“Yun lang naman pala eh. Tara basta libre mo” Weh? Is this real? Pumayag sya kahit ganun lang ang dahilan ko?

Umakyat kami sa Third floor at kumain. Ayos lang na manlibre, ang mahalaga, hindi sila nagkita ni Red. *insert bunting hininga here* pero, saglit, bakit ko nga pala ito ginagawa?

“Paul, Umamin ka nga sakin” ayan na, pinagpawisan ulit ako.

“A-ano yun?” hindi na ako makapagsalita ng diretso.

“Buntis ka ba?”

“Whut?? Baliwag Bulacan ka talaga.” Talagang may toyo ‘tong si Bella.

“Iniisip ko kasi kung bakit gusting gusto mo ng salad na ito that bad na kailangan mo pa akong pa-absent-in sa P.E. ko. Hindi kaya nglilihi ka?”

“Eh di ba sabi mo, wala naman kayong masyadong ginagawa sa P.E., laro laro lang.. Tsaka, Paano naman ako mabubuntis, eh lalaki ako?”

“Paul, tumingin ka nga sa kin. Tumingin ka. Ano yung totoo?”

“Hala, hindi ako buntis!”

“Hindi yun ang ibig sabihin ko. Yung totoo?”

“Tingin ko kasi, sa Red na yan na  umiikot ang mundo mo eh.” Sinabi ko ng mahina.

“Nagseselos ka ba? Naku-naku-naku. Nagseselos ang bestfriend ko.”

“Hindi ah. Hindi ako nagseselos.”

“Sows! Alam mo, hindi ka dapat magselos. Kasi si Red, crush ko lang yan. Ikaw, ikaw ang bestfriend ko. Kung papipiliin man ako sa inyong dalawa, ikaw ang pipiliin ko. Tandaan mo yan.”

Napangiti ako. Yun naman  pala eh!

“Pero syempre, crush ko si Red” -_-

“at soon, magiging asawa ko na sya. Kaya by that time, sya na pipiliin ko. Haler.”

“Asawa agad? Landi mo best!”

“ay, sya nga pala, alam mo ba yung ikinukwento ko sa’yo tungkol sa Feathers nya?”

“May nakita ka nanamang Feathers?”

“Malakas ang kutob ko dyan kay Red eh.”

***ITUTULOY***

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s