Mahal Kita Pero…

Mahal kita pero,
Maraming nagmamahal sa’yo.
Isa lamang ako sa kanila,
Pinapangarap ka.

Mahal kita pero,
Mahal ka niya.
Mas bagay kayo,
Sino ba naman ako?

Mahal kita pero,
Di ko masabi.
Mamahalin mo din kaya ako,
‘Pag nagtapat na ako?

Mahal kita pero,
Bata pa tayo.
Bukas na lang kita mamahalin,
Ang tamang panahon ay hihintayin.

Mahal kita pero,
Nag-aaral pa tayo.
Lahat ng panahon,
Sa Accounting itinutuon.

Mahal kita pero,
Magkaiba tayo.
Langit ka,
Ako ay lupa.

Mahal kita pero maraming kontra,
Tao, panahon, tadhana.
Kaya itong pag-ibig ko,
Idinadaan na lang sa tula.

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s