Fvck Second Chances

Minahal mo. SInaktan ka. Iniyakan mo. Binalikan ka.

Tatanggapin mo pa ba?

DON’T.

Wag mong bigyan ng second chance. Hindi naman sa pagiging ‘Hindi Mapagpatawad’, pero tng ina, sinaktan ka. Alalahanin mo naman na sinaktan ka niya. Umiyak ka noon dahil masakit, dahil hindi mo makaya ang sakit. Nasan sya nung mga panahong yun? Tng ina, nakangiti sya noong mga panahong iyon. Nagsasaya, hindi ka inaalala. Tapos sassabihin niyang nakokonsenya siya? Hell no! kung nakonsensya sya, hindi ka niya sinaktan. Yun ang tunay na konsensya.

Ano pang sasabihin niya?… na magbabago na sya? Utot niya! “People never ┬áchange. Once a whore, you’re nothing more.” ika nga ng Paramore. Uulitin niya kung anumang kagaguhan yung ginawa niya. Baka nga mas dagdagan pa niya. Ngayon, doble ang sakit. kung yung dati nga, hindi mo kinaya, paano pa ngayong doble na? Okay, sabihin natin na ‘mas matapang ka na ngayon, pero doble, pre. Anyway, bakit ka naman papayag na sakyan ka niya ulit? Lewl iba na lang!

Ano pa? Sasabihin niya na ‘Pangako, mamahalin na talaga kita.’ Diyos ko! kung yung pangako niya nung una, nabali niya, ito pa kaya? At kung mamahalin ka niya, sana noon pa. Sana hindi ka na lang niya sinaktan.

Tapos, iiyak siya. ipinapakita niya sayo na sincere yung paghingi nya ng tawad. Ikaw naman, tatanga-tanga, naawa ka. STOP RIGHT THERE. Noong ikaw ba dati ang umiyak para sa kanya, naawa ba sya? Mas grabe yung iyak mo noon, hindi mapapantayan ng iyak mo ngayon. Gabi-gabi ka noong umiiyak. hanggang makatulog ka. Sa sarili mo ikaw maawa, wag sa kanya.

Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin. Basta kapag sinaktan ka niya ulit, wag ka magko-comment ng ‘ You’re Right Red’.

You deserve someone better.

ps. sorry for the bad words.

redsecondchances

Fvck Second Chances

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s