There are these people who judge you. They want you to be yourself, but if you did became yourself, they will judge you. They’ll isolate you. They’ll say that you’re so stupid but the truth is you’re just being yourself.
Masakit. Oo, masakit ma-judge ng mga tao sa paligid mo. Lalo na kung wala naman silang alam sa pinagdadaanan mo. Akala nila, wala kang pakiramdam. Na yung sasabihin nila ay wala lang sayo. Sila ang Anklebiters.
Kailangan mo bang iprove ang sarili mo sa kanila? eh kahit iprove mo naman ang sarili mo, kahit ano pang gawin mong pagapapakatao, they will judge you. Ignorante sila eh.
Well, Hayaan mo na lang sila. Wag mo silang pansinin. “Fight Fire With Fire; Fight Ignorance With Ignorance.” Kung ignorante silang mga tao, hayaan mo sila Di mo yun kasalanan. Wag kang umasa na mababago mo pa sila. Ganyan na talaga sila. Pero it doesnt mean na gagayahin mo ang pagiging ignorante nila. no. Just ignore their ignorance. Okay ba?
Tandaan mo, kung ano man ang sabihin nila, wag mong papansinin. Wala yung katotohanan. Ikaw ang nakakaalam ng totoo. Hindi ka mahina, wag mong hayaan na kainin ka nila.
Bakit mo ba aasahan na magbigay ng magandang repleksyon ang isang sirang salamin?
Bakit mo ba aasahan na manahimik ang aso sa harap ng mga taong hindi nila kilala?
HIndi mahalaga ang sinasabi o iniisip nila. Ang mahalaga, ginagawa mo ang best mo, nagpapakatotoo ka. Wag mong hayaang maaepektohan ka nila.
Congrats. Isa ka na ngayong Anti-Anklebiters.
Mahalin mo ang sarili mo.