WHY?

Sabi mo sakin noon, hindi mo na ako mahal.
Sabi mo sakin noon, wala ka ng pakealam.
Sabi mo sakin noon, ayaw mo na.
Sabi mo sakin noon, sawa ka na.

Sabi mo sakin, di ka na babalik.
Sabi mo sakin, wag na akong umasa.
sabi mo noon, tumigil na ako.
Pero paano? Kung sobra kitang mahal.

Pinilit ko na tumigil.
Pinilit kong pakawalan ka.
Pinilit kong hayaan ka.
Pinilit kong kalimutan ka.

Pero hindi ko nagawa.
Pinilit ko pa rin gawin lahat
Bumalik ka lang.
Pero sabi mo, wala na talaga.

Pinilit ko ulit magmove-on.
Pinilit ko ulit na kalimutan ka.
Nakaya ko kahit isang buwan,
Pero akala ko lang pala.

Nakita ulit kita sa di inaasang oras.
Nakausap, nahawakan
At sa akala kong huling pagkakataon,
nasabi ko sayong..Mahal pa rin kita

Pagkatapos ng araw na yon,
Nagkausap ulit tayo.
Hanggang tumagal ulit.
At sinabi mo rin sakin na Mahal mo pa rin ako.

Hindi ko inasahan,
Habang tinitignan kita
Naalala ko lahat ng masasayang araw
na tayo’y magkasama.

Iniisip ko na sana
Tayo pa rin.
Na sana hindi mo na lang ako iniwan,
Edi sana, Hindi ako nasasaktan

Niyakap kita bigla
Pinigil kong wag umiyak
Pero di ko rin inasahan
na ganoon ako hahagulgol sayo

Niyakap mo ako at sinabi mong
Huwag na akong umiyak
Pero tuloy tuloy parin ako sa pag iyak
at sa pagsabing mahal na mahal kita

Nagmakaawa ako
Halos di na ako makapagsalita
Ayaw kong mawala ka
Ayaw kong iwan mo ako

Sa mga oras na yon,
narinig ko ulit sayo yung
“I love you”
Na lalong nagpaiyak sakin

Sabi mo pa sakin,
Gusto mo akong balikan
Pagkalipas ng ilang taon
Kapag ready ka na ulit.

(C) PUP Crushes

redintoyou

I should be over all the butterflies!

Advertisements

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s