Pula: Blog ng Gwapo.

Ito ay blog ng isang simple, ngunit gwapong binata-si Red. Siya ay 16 years old, first year college. Nag-aaral bilang isang Accountancy student at ang maging CPA (Caertified Public Accountant) ang natatangi niyang pangarap. binuo niya ang blog na ito upang magsilbing ala-ala ng buhay kolehiyolo.

Ang blog na ito ay tungkol sa “everything under his mind”.

Ang blog na ito, Pula, ay nahahati sa apat:

“DUGO” (#Dugo)

Ang temang ito ay para sayo. Bakit? Kasi pag nilagyan ng “-ng” sa huli, kamukha mo na. (joke! Alam nyo naman na mahal na mahal ni kuya snob ang mga readers nya). Kung iisipin, marahas pakinggan ang dugo. Parang tungkol sa patayan, krimen (hindi ako criminal ha?!) or pwede ring mens (wala ako nyan.).Kung ang makina, may gas; ang katawan natin may dugo. Simbolo ito ng kung ano mang nagpapakilos satin, nagtututlak satin na gawin ang isang bagay. Isa pa, ang dugo ay parang luha, minsan, patak, minsan buhos (shocks! Grabe ang buhos ah.) simbolo ito ng malungkot na emosyon, ng pighati.

 

“APOY” (#Apoy)

Apoy ang pamagat ng dati kong blog, dung hindi pa ako si Kuya Snob (kuya Centi palang ako nun) gaya nga ng sabi ko nun, ang apoy ang nagbibigay ng buhay. Di ba nga, sa second mystery ng light, ang Descent of th Holy Spirit, nagkorte itong parang dilang apoy. Nakakatakot din isipin ang apoy. Parang somewhat impyerno o demonyo. Pero kabaligataran talaga ang gusto kong iparating. Ang apoy ay nagbibigay liwanag. Upang makakita sa dilim. Ang apoy ay sumisimbolo sa Diyos.

 

“GALIT” (#Galit)

Galit ang nagtulak kay kuya Centi na magevolve at maging kuya snob. (bitter ako nun eh.) ikukwento ko ang detalye sa mga susunod na storya sa blog ko. Kung iisipin, pwede namang wag magalit, magkaron ng kapatawaran. Diba? Pero ang galit ay nagpapalakas satin. Parang lumalakas ang awra (awra means superiority or presenceof energy) natin. Kaya matatakot ang iba, mao-overcome natin ang awra nila at hindi na nila tayo masasaktan muli dahil Sindak sila. Ang galit ay sumisimbolo sa pagbabago, at pagkamatatag.

 

“PAG-IBIG” (#Pagibig)

Achuchuchu… ayan na naman ang landi part. Yung bang kikiligin ka at mapapasigaw ng “YOWN!” alam ko namang gusto nyo yan mga readers, kaya hindi ko inallis. Kahit papaano kasi may natitira pang softspot si kuya Snob. May puso din ako, kahit one-fourth. Pero don’t expect too high, gaya nga ng pangalan ko, snobber na ako. At hindi na ganun sa Kuya Centi na kilala nyo.

anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s