2017

isaiah43v18to19

(c) difelahymns.wordpress.com

 

 

IM BACK. Kabahan ka na! Joke. So yun, Nasasayangan ako sa blog kong ito. I mean napabayaan lang, sayang. Eh it is a great avenue to reach out to people all around the world. Ngayong 2017, magpopost ako weekly. I promise that! Abangan every Tuesday night or Wednesday morning ang posts ko lingo-lingo.

Continue reading

Advertisements

Know the Blogger

  1. Lumalabas lang ang dimple ko kapag fake ang ngiti/tawa ko
  2. Takot ako sa aso (any kind).
  3. Previous version of this blog (APOY) had its first anniversary last September 11
  4. Laundry day ko ang Thursday kaya napapamura ako kapag may school activity nang Thursday.
  5. Super crush ko si Julia Barreto
  6. Madali akong ma-attract sa may dimple.
  7. Accounting student ako.
  8. Hindi ako friendly. Masungit at suplado ako sa strangers
  9. Hindi ako humihinga kapag nagsisinungaling ako.
  10. Best love language ko ay Physical Touch
  11. Hindi ko kaya yung “Tilt (yung kumain ng glue) sa Dumb Ways to Die.
  12. Hindi ako naglalaro ng basketball.
  13. Nagkaroon ako ng “line of 7” sa card nung grade 6.
  14. Ako ang pumirma sa second grading card ko nung grade 5.
  15. Bobo ako sa Social Sciences maliban sa Sociology (ano daw?).
  16. May dalawang LBM tragic experience na ako sa school.
  17. Takot ako sa ipis na lumilipad.
  18. Mahilig akong sumayaw.
  19. Dove ang shampoo ko.
  20. Dino-drawing ko ang mga paborito kong kanta.
Untitled

Ano daw?

PULA: ang blog ni Kuya Snob

“PULA” ang pamagat ng aking blog dahil ito ang kulay ng redtube. Joke… ui joke lang yun ha?! Baka isipin nyo malibog si Kuya Snob. Hindi po. “PULA” ang pamagat ng blog na ito dahil ito ang kulay ng underwear mo (ui napaisip sila, baka nga sumilip pa. hahahhaha XD) joke lang! syempre hindi.

Let’s get things serious.

“PULA” ang pamagat nito dahil ito ang nararamdaman ko. Mainit. Naglalagablab. Palaban. Matapang. Pag-ibig. Misteryo. Ang “PULA” aynahahati sa apat na tema: “DUGO”, “APOY”, “GALIT”, at “PAG-IBIG”

 

“DUGO” (#Dugo)

Ang temang ito ay para sayo. Bakit? Kasi pag nilagyan ng “-ng” sa huli, kamukha mo na. (joke! Alam nyo naman na mahal na mahal ni kuya snob ang mga readers nya). Kung iisipin, marahas pakinggan ang dugo. Parang tungkol sa patayan, krimen (hindi ako criminal ha?!) or pwede ring mens (wala ako nyan.).

Kung ang makina, may gas; ang katawan natin may dugo. Simbolo ito ng kung ano mang nagpapakilos satin, nagtututlak satin na gawin ang isang bagay. Isa pa, ang dugo ay parang luha, minsan, patak, minsan buhos (shocks! Grabe ang buhos ah.) simbolo ito ng malungkot na emosyon, ng pighati.

 

“APOY” (#Apoy)

Apoy ang pamagat ng dati kong blog, dung hindi pa ako si Kuya Snob (kuya Centi palang ako nun) gaya nga ng sabi ko nun, ang apoy ang nagbibigay ng buhay. Di ba nga, sa second mystery ng light, ang Descent of th Holy Spirit, nagkorte itong parang dilang apoy. Nakakatakot din isipin ang apoy. Parang somewhat impyerno o demonyo. Pero kabaligataran talaga ang gusto kong iparating. Ang apoy ay nagbibigay liwanag. Upang makakita sa dilim. Ang apoy ay sumisimbolo sa Diyos.

 

“GALIT” (#Galit)

Galit ang nagtulak kay kuya Centi na magevolve at maging kuya snob. (bitter ako nun eh.) ikukwento ko ang detalye sa mga susunod na storya sa blog ko. Kung iisipin, pwede namang wag magalit, magkaron ng kapatawaran. Diba? Pero ang galit ay nagpapalakas satin. Parang lumalakas ang awra (awra means superiority or presenceof energy) natin. Kaya matatakot ang iba, mao-overcome natin ang awra nila at hindi na nila tayo masasaktan muli dahil Sindak sila. Ang galit ay sumisimbolo sa pagbabago, at pagkamatatag.

 

“PAG-IBIG” (#Pagibig)

Achuchuchu… ayan na naman ang landi part. Yung bang kikiligin ka at mapapasigaw ng “YOWN!” alam ko namang gusto nyo yan mga readers, kaya hindi ko inallis. Kahit papaano kasi may natitira pang softspot si kuya Snob. May puso din ako, kahit one-fourth. Pero don’t expect too high, gaya nga ng pangalan ko, snobber na ako. At hindi na ganun sa Kuya Centi na kilala nyo.

 

 

Yan ang PULA. Ang dugo, apoy, galit at pag-ibig, lahat yan pula pati na ang kulay ng blog ko. Enjoy reading folks! Kuya Snob is on the house!

 

Kuya Snob would like to thank the following sponsors:

 

  • Taylor Swift
  • The Generics Pharmacy
  • Red Ribbon
  • Mercury Drugstore
  • Money Gram
  • Camel Appliances
  • Polytechnic University of the Philippines
  • Tide
  • Pen Shoppe
  • Robinsons
  • Chowking
  • Jolibee
  • Trend Micro
  • Coca Cola
  • Mickey Mouse
  • Flash
  • Cherry Mobile
  • TM

(PULA!!!)